Thursday, June 2, 2011

Childhood days


Let's go back to 80's. I found this blog that says 90's Warp Back. I found this interesting because it's true! Just want to re-post this, as this brings back good memories.

Batang 80's

...inabutan mo ang ice cream na may brand na Coney Island, wala pang Selecta noon.

....Shoemart ang tawag mo sa SM

....naadik ka magcollect ng stickers
....alam mo ang dragon katol at Sierratone bed.
...libangan mo ay magbike at para sikat BMX ang dapat sa iyo.
...di ka nalilito sa mga palabas na Daimos, Voltron at Voltes V.
...you do the carebears countdown, 5, 4, 3, 2, 1!
...kilala mo si Lola Torya at natakot ka kay Luka.
...sa pagkakaalam mo si Chichay si Lola Basyang .
...ang channels lang ng TV nyo ay 2, 4, 7, 9 at 13.
...mahilig ka sa kahit anong neon--neon shirt, neon shorts, neon socks... NEON EVERYTHING!
...kilala ng tatay mo sina Rudy Distrito, Bogs Adornado, Samboy Lim at "Jawo" ang tawag nya kay Jaworski.
...tuwing umaga ay humahangos ka para di ma-late sa "Bayang Magiliw" at "Panatang Makabayan".
...pinabibili ka ng Coke LITRO sa tindahan, hindi 1.5.
...alam mo ang Lunch Break bukod sa Eat Bulaga.
...kilala mo sina Alvin, Simon at Theodore pati na rin si Dave.
...nakakita ka ng caravan na hila hila ng baka tapos may mga tindang native products made out of rattan.
...pinapasalubungan ka ng chizcurls, chippy o nips ng parents mo.
...mahilig kayong rumenta at manood ng Betamax .
...inabutan mong bentesingko lang ang isang candy o bubble gum.
...Quartz ang tatak ng wall clock nyo.
...sikat na laruan ng lalaki ang matchbox at barbie naman sa babae.
..sa PhotoMe ka nagpapapicture para sa school ID.
...gumawa ka ng windmill mula sa papel tapos kumanta ng "Umihip tulad ng Hangin"
...ang birthday cake mo ay binili sa Goldilock's o Joni's.
...adik ka magcolor at mag dot-to-dot sa coloring book mo.
...Px ang tawag nyo sa imported na padala ng mga relatives nyo galing Tate.
...sikat sa'yo si Snoopy at Garfield.
...alam mo ang Brown Cow
...scented statio na gamit mo, scented pen pa!
...may Childcraft at encyclopedias sa bahay nyo.
..sikat ka kase water-resistant ang relo mo.
...gumagamit ka ng salbabidang gulong pagnagsiswimming pag bakasyon.
...sinasabayan mo ang parte ng commercial na "Di lang pampamilya, pang isports pa! (CLING!).
...alam mo at nangarap kang makapunta sa Goya Fun Factory.
...alam mo ang Cindy's at Tropical Hut Hamburger.
...kilala mo si Papa Smurf at Smurfette.
...bukod sa Chikadiz, na-hook ka rin sa Pee-Wee at Pritos Ring.
...bingo, monopoly at scrabble ang ilan sa inyong mga gameboards sa bahay.
...marami kang kalarong kapitbahay pagsapit ng alas-kwatro tapos uwian na kayo pag ala-sais na.
...Mister Donut at Dunkin Donuts lang ang bilihan ng donut noon, crispy kreme non existent pa.
...Ali Mall ang pinakasikat na mall and Greenhills
...5pm-7pm ang primtime sa TV noon tapos 9pm-10pm ang late night shows.
...tumatak na sa isip mo ang tunog ng The World Tonight (tununununununun, tunununununun, tunununun, tunu-nunt-nunt-nunt)
...kahit magsigawan kayo di kayo magkarinigan tuwing Bagong Taon dahil sa dami ng paputok.
...umiinom ka ng Milo, Ovaltine, Sustagen o Magnolia Chocolait tuwing umaga.
...may pair ng Rayban shades ang erpats mo.
...may T-shirt kang may pangalan mo na nakaimprenta tapos may bata.
...nagpapainit ka ng tubig sa takure o kaldero para pang ligo (wala pa kaseng heater).
...naihi ka sa takot sa Shake, Rattle & Roll.
...si Inday Badiday ang reyna ng chismis kaya nanonood ang nanay mo ng Eye to Eye.
...may pencilcase kang maraming pindutan tapos pag pinindot mo may bigla na lang lalabas o bubukas siya.
...Safeguard o Lifebuoy ang sabong panligo mo.
...naging expression mo ang "Period! No erase!".
...gumawa ka ng sarili mong saranggola saka pinalipad.
...bukod sa Coke at Sarsi, uminom ka rin ng Fanta at Mirinda.
...alam mo ang kid's show na double dare at Fun House (finder's keepers).
...kilala mo si Bert "Tawa" Marcelo dahil nanonood ang nanay mo ng Tanghalan ng Kampeon.
...alam mo ang "Apir! Disapir! 1/2, 1/4, 1/4, 1/2, Disapir! Apirrrrr!!!".
...sikat na sikat ang 8 o'clock, KoolAid at Sunny Orange bilang juice.
...nagpapalakihan kayo ng plastic balloon.
...sina Hulk Hogan, Ultimate Warrior, Ravishing Recrude, Bambam Bigallow at Undertaker pa ang sikat na wrestlers noon.
.....Meron kang peklat sa tuhod at siko mo
....Meron kang barkada sa village o sa baranggay nyo (at lahat kayo ay may mga bike)
....Kumakain ka ng aratilis
....Pinipitas mo ang mga gumamela n'yo at ng kapitbahay para gumawa ng bubbles
---> mas effective kung ang pang-ihip na gagamitin mo e yung pinutol na tangkay ng puno na papaya.. ....Palagi kang pinipilit ng mga magulang mo na matulog sa tanghali, tapos ang panakot nila pag hindi ka natulog, hindi ka papayagang makapaglaro sa labas
....Hindi ka matatagpuan sa bahay n'yo pag hapon. Lagi kang nasa labas, naglalaro kasama and mga barkada mo.
....Hindi mo mapigilan ang sarili mong tumalon sa sandpile
.... Alam mo lahat ng street games (patintero, agawan base, langit-lupa, etc., etc.)
....Meron kayong family computer. Mahusay ang hand-to-eye coordination mo dahil sa family computer. Pero mas gusto mo pa ring maglaro sa labas kesa maglaro ng family computer.
....Minamaliit mo ang mga computer games ngayon dahil sa life bar ng character (di katulad ng Mario, pag tinamaan ka ng goomba, patay ka!!)
....Nasa puso mo ang code na ito: UP-UP-DOWN-DOWN-LEFT-RIGHT-LEFT-RIGHT-B-A-B-A-START (select-start for 2 players)
...Meron kang superhero costume (especially a superman costume)
.....Meron kang denim jacket
.....Adik ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats
....Mahilig ka sa 80's music kahit ayaw mong aminin.
....Pag nakahuli ka ng salagubang, tinatalian mo to sa leeg, tapos papaliparin mo paikot-ikot
....Mahilig kang manghuli ng mga tutubi... 'yung mga yellow-green ang pinakamadaling mahuli, mailap yung mga kulay blue, at 'yung mga red--rare breed
....Umiinom ka ng Flinstones vitamins
....Kilala mo sila Kuya Bodgie at Ate Sheena ng Batibot
.... Nanonood ka ng Uncle Bob's Lucky Seven Club
.....May shoulder paddings ang mga blouse mo.
.....Nangongolekta ka at nakkikipag-swap ng mga perfumed stationeries sa mga kaklase at kaibigan mo, at sinusunod mo ang unwritten rule na hindi mo ito pwedeng sulatan
....Kapag summer, Baguio lang ang alam n'yong puntahan
... Alam mo kung ano ang itsura ni RickyMartin dati at ang Menudo
....Mas magaling na artista si Julie Vega kesa kay Judy Ann
....Kilala mo ang mga Bagets at Ninja Kids
....Madami kang alam na 80's song maliban sa "Buttercup"
....Pinapayagan kang maligo sa ulan.
....Kilala mo si Madam Bola at si Sitsiritsit Alibangbang
....Kilala mo ang Ewoks
....Meron kang Mighty Kid shoes at Greg shoes.
....Alam mo kung ano ang ibig sabihin ng Time Space Warp (at kilala mo si Fuma Lae-Ar)
....Meron kayong Bioman name ng mga barkada mo
....Sinisipsip mo ang nectar sa bulaklak ng santan
....Mahilig ka sa cheezels and chicakdees dahil sa mga prizes sa loob (sticky hands, bear popups, at 'yung stick on tattoos na na-ban due to drugs daw?)
.....Sosy ka kapg namili ka ng Magnolia drumstick
....Dapat i-share mo angTwin Popsies sa isang friend.
....Ice Drop ang pinakamurang bilihin
....Meron kang Disney bow biters para sa rubber shoes mo.
.....Kilala mo si Alf.
....Pamilyar ka sa TV show na "Perfect Strangers".
....Idol mo si McGyver.
.....Thats Entertainment" ang "the bomb" nung mga panahon na yun.
.....Cute pa si Aiza non sa Eat Bulaga, pati si Matet at Gutierrez twins
....Uminom ka ng Chocolate's milk ng Magnolia sa glass bottle na sinesave n'yo para paglagyan ng tubig sa ref
....Pinakakomportableng isuot ang Sperry Topsiders.
.....Dress shoes mo eh loafers pa rin.
.....Best movies of all time ang pretty in pink, breakfast club, 16 candles at some kind of wonderful.
.....Pinagmamalaki mo ang pencil case mo na maraming hidden compartments na nagpa-pop-out pag press mo ng button...
....Meron kang Bensia pencils na refillable...
....Fiesta carnival was the place to be (kumbaga enchanted kingdom sya ng 90's)
....Takot kang mag-year 2000 ksi baka magunaw ang mundo.
....Masarap ang Goya and Serg's.
....Nakakasakay ka pa sa kotseng walang aircon.
....Alam mo ang lyrics ng "Tinapang Bangus" at "Alagang-alaga namin si Puti" ng Batibot.
....Alam mo ang mga commercials na to: YC BIKINI BRIEF, La Germania, Mama Mia , Seiko Wallet - ang wallet na masuwerte
....Bumibili ka ng caramel candy, texas or bazooka bubblegum, tira-tira at tootsie roll sa tindahan
....Naabutan mo pa na korteng flower ang singko
....You're familiar with this song: si nena ay bata pa, kaya ang sabi niya ay um-ah-um-ah-ah.

Haha! I hate to admit it. But I am an 80's kid. I can't help but smile.

No comments:

Post a Comment