Saturday, May 28, 2011

The heart of a Kulasa


OMG! I'm super fascinated by these. Found them also while browsing for some things about my Alma Mater, St. Scho. Batch 1985-1998

Bell ni Mrs. Pentocostes
Kadalasan to sa gradeschool, pag may narinig ka ng bell, alam mo na parating na si Mrs. Pentecostes. Kaya kung ano man ang ginagawa mo, tumitigil ka para lang antayin ang pagdaan niya.

Chits
Dalawa ang istasyon sa canteen noon, yung palitan ng chits at yung mismong tindahan. Hindi ka makakabili ng kahit ano pag wala kang chits sa canteen Kadalasan trapik kasi butal ang mga chits. 50c, 1, 2, 5, 10.

Honey Bacon Cheese Burger
Ito na ata ang pinakamalinamnam na burger sa St. Scho na natikman ko. Ang hindi nakatikim nito, may namiss ka.

Old Music House
Sino ang di nakakaalam nito? Takot ako dito noon. May nakatira raw na white lady dun at pag dumaan ka may maririnig kang tumutugtog ng piano.

HS Building
Noong grade 6, atat lahat maghigh school kasi natatanaw nila yung mga ginagawa ng HS sa katabing building. Iba rin kasi ang tiles ng HS sa GS.

Name Tag
Ayaw gumawa ng name tag pag HS na, kasi ayaw matawag ng teacher. Pag wala kang name tag “Kurdapya” pangalan mo for the day.

Stroller
Sino ang hindi nagstroller?? Palakihan pa nga noon at ang uso may lock na di-susi pa. Tapos pag uwian na, paunahan sa baba.

Star Scout at Girl Scout
Marami ang hindi umaamin na naging scouts sila. Ewan ko ba. Siguro yun lang ang common na alam ng mga parents na club noon para sa mga babae.

Eraser
Pagtitinginan ka ng ibang mga katabing sections pag narinig yung pagpapagpag mo ng eraser sa labas. Minsan kahit walang dust pagpag ka pa ng pagpag.

Letter writing
Usong uso yan dati, mapa higher batch o lower batch. Sila yung makukulit sa umaga na pumupunta sa ibang section para magabot ng sulat.

Drinking Fountain
Pag di mo na feel yung topic mag gogo-out ka para uminon sa drinking fountain. Tas ang pupuntahan mo pa e yung pinakamalayo sa classroom niyo para stroll.

Clinic
Lagi kang pumupunta sa clinic pag nahihilo ka at bibigyan ka don ng ammonia.

Pag ung regular ng injection naman, nakapila kayo sa labas in alphabetical order of the sirnames tapos lahat kinakabahan na pag tatawagin dahil sa injection.

Sports Bag
Uso to nung high school, pag meron kang ganito you’re in! Ito yung bag na usually circular tube ang korte kadalasan Speedo.

Coleman
Kawawa ang mga nagdadala ng coleman sa school. Kasi pag naisipan uminom ng isa, ipapasa sa isa at makikiinom na ang lahat. Minsan nga mamimili ka pa yung may yelo pang coleman ang hihingan mo ng tubig.

Service
(Ang service namin dati para daw kulungan ng baboy kase may mga grills. Hehe! Peace Mang toot!)

Angelus
Hihinto ang lahat para magdasal. Alert ang mga Girls Scouts dito dahil sila ang kukuha ng pangalan mo pag di ka huminto.

Prayer room
Nung GS: tinatambayan ng iba para malamigan lalo na pag break. Nawala rin ang aircon dito.
Nung HS: nakalock ito.

Uniform
“Upong Kulasa”: ito yung pag nakaupo ka yung laylayan ng palda e nasa harapan lahat tas medyo nakabukaka pa. Astig raw kasi tignan.
“Loose Blouse”: marami ang na-office dahil dito. Ito ung imbis na nakatali yung string sa harap, nakaribbon nalang sa likod, tapos pag naglakad ka automatic yung pag labas ng blouse mo sa gilid na jumper.

Shorts
Marami ang nagshoshorts noon. Uso kasi, chaka para pag nag “upong kulasa”, di makikita panty mo.

Opener
Nung HS mauna-una ang labanan. Pag nauna ka ikaw ang magbubukas ng classroom niyo. Kasama dito ang pagiging creative mo sa pagtatali ng green na kurtina.. Paayusan pa nga noon bawat room, yung kadalasan e ung ayos na medyo may kalaparan tas may pleats sa gilid, at yung iba nakabuhol lang.

Bloomers
Kumpleto St. Scho uniform mo pag nakapag bloomers ka pag-PE at white SPARTAN rubber shoes.

Jogging Pants
Marami ang excited dito, kasi noon 3rd at 4th year lang ang nakakapag jogging pants.

IMC
Di ka na kakain pag lunch, magdadala ka na lang ng sago sa IMC para maglaro ng sungka, uno, at iba pang board games. At manghiram ng recorded songs kay Kuya Jun. J

Rubber Tree
Ito yung pinaka malaking puno sa St. Scho. Maraming kwento dito.

(Di ko to makakalimutan kase minsan nagovernight ang buong 4th year, nagkayayaan kami ng friends ko mag ghost-hunting. By twos kase kami. Un nga lang ang naging partner ko dito eh track-and-field runner. Nung sumigaw ung isa na may multo daw silang nakita nagtakbuhan na lahat. Unfortunately, nakahawak ako sa braso ng classmate kong runner. Ayun! Kinaladkad ako at meron tuloy akong 2 malaking sugat sa tuhod ko)

Niňa Maria
Pangalan ito ng isang hallway sa lumang prep classrooms papuntang gate 7. Kung kulasa ka, kilala mo siya at alam mo kung ano ang storya nya. Kwento ko? (Di ko ata ito alam)

Saba con Yelo
Sino di nakakain nito, may namiss ka ulit. Pag ito kinain mo, mag papadagdag ka ng tamis nito. Kahit nga wala ng saging basta may katas, solb na.

Sprit of the…
Sino ang hindi nagtry nito? Merong spirit of the glass, spirit of the coin at kahit may klase pwede kasi, pati spirit of the ball pen ginawa niyo na.

How old are you, 1, 2, 3….
Ito ang maririnig mo pag naghuhulaan kayo ng kulay ng panty. Sisilip pa talaga sa palad para may makitang “kulay”.

Dividers
Cool ito!! Ito yung iba’t- ibang klaseng tiklop na makikita mo sa notebook na may nakasulat na 1st quarter hanggang 4th quarter. Ahihihihi.

Batibot
Nakaupo ka na ba sa batibot?

Family Day
Sinong hindi nakapagsayaw nung family day niyo?

Vandalism
Ang dumi ng cr pag maraming vandal? Nakapagsulat ka ba?

Swing
Lahat naman ata nakapagswing ng malakas sa playground at nakapaglaro ng Marco Polo.

Slide
Ito ung semento na pababa at ang bagsak mo IMC. Pila ang pagslide dito. Tapos tyempuhan lang kasi kita to sa office.

Sweet Valley High
(Super addict ako sa books. Lagi na lang yata akong nasa library dati eh. May classmate pa nga ako dati na nakikipagunahan pa ako sa books na Sweet Valley. Kase ung mga bagong labas lagi nya akong nauunahan sa paghiram. Kaya ang ginagawa ko tinatago ko un sa mga likurang shelves hinahalo ko sa mga lumang books. Hehe!)

SRA (Science Research Associates)
Sino ang di nakalampas dito? Anong color ka nagstart? Cheat galore pa dito noon kasi answer key na kinukuha mo para lumevel up ka agad.

(Haha! Sino na nga pala ung teacher ko dito sa reading? Kalimutan ko na pangalan nya mejo terror din un eh. Pero binigyan ako non ng 98 sa essay dati!)

Subscriber
Naaalala mo pa ba yung mga magazine na uso nung grade school? May membership card ka ba ng Saranggola at Pambata?

Gospel Comics
Binabasa to every Sunday para sa lecture ng CLE. Pag nakalimutan mo, hihiram ka sa ibang section.

Skechers
Malamang nagsuot ka nito.

Mass Attendance
Dito, need mo pa ilagay kung bakit di ka nakapag mass. Papasa ito every Monday tas pipirmahan ng teacher mo.

Clean and Neat
Naaalala nyo pa ba ung checklist na pinapasa every end of the month sa PE.? Nakalagay dun kung araw-araw ka naliligo, nagsipilyo, naggupit ng kuko...

Lovers
May alam ka tungkol kela Bb. Gar.. at Bb. Cr.. nung GS, ano alam mo ba un? Hehehe. (Oo nga!)

Guess
Nakiuso ka noon sa tatak ng medyas mo ay may Guess o kaya ung logo nilang question mark.

Sock styles
Bibili ka ng medyo mahabang medyas para may style yung pagtiklop mo... ano style mo?

Stamp
Lahat ata nakabili ng collectible stamps.

Gumamela
May dala kang gumamela para sa parts of the flower.

Ms. Ach…
Malamang alam mo ang story ng pustiso niya, tama ba? Hahaha.
AVR
Masarap matulog dito lalo na pag patay ang ilaw (May multo daw dito na bata di ba?)

Baranggayette
Nakaboto ka noon sa baranggayette.

Baby Bra
Dalaga ka na pag nagsusuot ka na ng baby bra nung gr.4

PE
GS: excited lahat pag PE.
HS: (Naaalala ko ung CAT, puro kagaguhan ang section namin)

Paper bag
Pagandahan ng paper bag noon para sa uniform sa PE mas malaki da better.

Pencil case
Nagakaroon ka ng pencil case na cool, mas maraming mapipindot mas cool.

Agawan base
Ang pinakaalam na lugar nito ay yung dalawang malaking puno sa Old gym. Ano may kuryente ba o wala? Ahihihihi.
Patintero
Pwesto nito yung sa Old Gym din, halos masakop kalahati ng gym para dito. May back touch ba?

In, Out
Sa larong to halos nakaupo na ang taya para lang mahuli ang paa mo.

Teddy bear
Natapos mo ba ung teddy bear mo nung HS sa THE?

(Meron pang apron di ba?)

Mass
Pag mass, mataas ang tingin sa klase niyo pag sa bleachers kayo nkaupo. Minsan pa unahan sa taas para mas marami ang makita. Silip pa dito pati ung mga teachers na natutulog pag homily. Tapos papoisan pag iikot na pabalik sa upuan. Malamang sa gitna ka dadaan kaya you’ll walk with elegance. Pinagbawal rin ang pagdadala ng pamaypay, kasi pasahan na lang ng pamaypay ang pangyayari buong mass. Tapos, pag collection na, padamihan ng coins sa bulsa para may mabigay.

Nitz
Pag uwian na lalo na nung GS, maririnig mo nlang ang mga estudyante, “kita nlang sa Nitz”. Syempre may mga tambay na talaga don.

News paper drive
Every year ata nung GS may ganito. Pinagpapadala ang mga estudyante ng sangkatutak na dyaryo para sa contest na to. Tapos iaannounce via PA kung sino ang highest.

Napkin box
Safe ka pag ngcr ka at may period ka, may instant pambalot ka sa used napkins mo dahil may mga napkin boxes bawat cubicle. Gawa ata to ng 1st year sa lumang yellow directory.

Green thumb
Nung 4th year naranasan mo ba yung magtanim ng halaman sa likod ng New Gym? May tumubo ba? Ano yung tanim mo?

Mood ring
May iba’t- iba korte ang mood ring noon, may bilog, oblong, triangle o kaya ung buong singsing ay mood. Anong mood mo?

(Grabe! Binili ko pa ung mood ring ko sa Tickles sa Shangri-la)

Ice Cream
Di pa uso ang Mr. Softy noon, may chocolate syrup na ang ice cream sa Isko. Pwede sa sweet cone at sa cup.

Elephant pants
Mga taga-walis ng sahig!!! Ito yung pants na napakalapad tapos may malaking bulsa sa likod.

Calendar
Ito ung malaking kalendaryo na gawa sa blackboard para sa GS. Dito nakasulat yung sked for da whole month. E nakatambay ka ba sa bakod na tapat nito?

Bulletin board
Depende kung anong theme ang gagamitin for the month at syempre may caption. Ito ung gingawa ng mga estudyante pag lunch sa classroom.

(Naaalala ko madalas kaming panalo sa bulletin board contest every month. Saya!)

Wallet & Pix
Saan ba tinatago ang pera, diba sa wallet?! Sa Isko, pictures ang nagpapakapal ng wallet. Pag konti lang, boring ka. May nakapaginvest na nga ng album para lang sa pix na meron siya.

Stationery
Paramihan ng stationery noon. Uso rin yung letter writing. Pag may kasulatan ka, una mong titignan ay kung maganda ba ung ginamit na stationery sa sulat. Uso rin ang swapping sa stationery.

Shagidee sha popo
Pag papuntang PE, nagshashagidee shapopo ang mga estudyante hanggang makarating ng GYM.

Mga Laro nung GS
Monkey Anabelle:
Monkey monkey Anabelle
How many monkeys did you see?
[Chant remaining number of players
here, then count off]
And a-rikkitikkitee and a-blue-black
sheep
Is this true, yes or no {asking for
answer}
Is-pell yes, y-e-s
Is-pell no, n-o
and out you go.

Langit Lupa:
Langit, lupa, impyerno
im, im, impreyno
saksak puso, tulo ang dugo
patay, buhay
alis ka na d'yan

Sustagen
Sino ang di naeexcite pag dumadating sila Sussie at Geno? Mamomoroblema pa parents mo dahil sa kakulitan mo para bumili ng Sustagen para sa mga karton, foil at mga scoops na ipapapalit mo para sa equivalent na items. Ano di ka ba nagpapalit?

LSS (Last Song Syndrome)
Mga paulit-ulit na linya sa kanta na di naman natatapos kantahin. Sa amin noon, “I will sing forever...”

Sportsfest shirt
Blue, Red, Yellow, Green… apat na kulay na mkikita mo sa sportsfest.

Color Schemes
Blue, White, Black accepted na rin ang brown. Mga kulay na dapat lang suotin pag may accessories ka.

Red card
Pauso pag nahuli kang nagtagalog. Takte to, pamatay pag nadodoblehan ka maglilinis ka sa uwian. ISPEK EN ENGLESH!! “time first” ang sasabhin mo pag naubusan ka na ng English words.
Motto

(Ora et labora: How could I forget that?)

Xerox
Nung GS: nauso ung pagpapaxerox ng palad pag uwian tas ipopost sa Xerox room na may pangalan mo.
HS: mahaba ang pila pag exams kasi xeroxan ng may pinaka may kumpletong notes.

Friendship…
Lahat ng magbabarkada, may friendship bracelet, anklet, o kaya ring. Minsan di mo na alam isusuot mo pag may nagbigay sayong iba na gusto kang maging friend.

Platform
GS: pupunta ka sa harap sa platform para mgsulat ng notes. Wala ng tao na nakaupo sa upuan, lahat nasa harapan. Pag puno na, yung likod nung nasa harapan ang ginagawang patungan.

Spelling
GS to ipinapaimpliment. Kakabahan ka pag sinabi ng teacher mo may spelling test ngayon.

Log book
Sa clinic maraming ganto. Meron sa Faculty, Grade school at High school. Kelangan mo mag log in at mag log out, ilagay anong ailment at kung anong gamot. Tapos may green card ka pa na ipapapirma.

Sewing kit
Nakatapos ka ba ng project na hindi nanghihiram ng gamit? May threader ka ba? E tama ba DMC mo?

Kikay Nauso noon ung pagdadala ng facial wash at pagtututbrush tuwing lunch after kumain. St. Ives ba gamit mo o Clean and Clear? Pahingi ng toothpaste.

Retaso
Pag kailangan ng retaso saan ka pumupunta? Di ba sa Tuazon Center.

Kickers
Kasabayan ng Skechers ang Kickers noon. Uso yung school shoes na Kickers noon. Siguro yun kasi ung una mong makikita sa Sta. Lucia pag pumasok sa Dept. Store nila sa shoes area.

OHP (Over Head Projector)
Di pa uso ung PowerPoint at minsan lang gingamit ang wide screen, OHP pa ang ginamit noon. Mag vovolunteer ka pa na kumuha ng OHP sa AVR kahit alam mong napakahirap tong iakyat pag nasa 2nd floor ang room mo.

Star section
Sila ang mga purido lagi ng mga teachers. Syempre cream of the crop! Matatalino, mabibilis magsalita kahit English, laging nangunguna sa quiz bee at di nahihiya. Nakasama ka ba sa kanila?

(Star section ata ako ha!)

Our Father
May sariling version ang Isko ng Our Father, syempre si Mrs. Yusi!! Ito na ata ang pinakamagandang revision ng Our Father na napakinggan ko.

(Naku, nakakakanta ko tuloy sa utak ko)

Secret buddy
Naaalala mo pa ba sino buddy mo? Ito yung sulatan na di mo naman alam kung sino ang sumusulat sayo. Todo hulaan to lalo na sa handwritting.

Umbrella
Nung mga prep days to. Uso yung pagdadala ng payong na may pito.

Abbreviations
Alam mo ang...
T- Take
C- Care
C- Coz
I- I
C- Care

J- Just
A- Always
P- Pray
A- At
N- Night

Exams
Pinangarap mo na ang pwesto mo ay sa labas ng classroom. Kumpleto sa gamit; stapler, pencil, eraser, liquid eraser at scratch paper pag math.

Autograph
Isa ka sa mga nakasagot ng MTM, observe me, love is blind, at mirror please… ano tama ba ako?

Ball pen
Isa ka sa mga gumamit ng Pilot at ang makukulay na My Gel at Metallic My Gel.

Cleaners
May mga nakaassign per day kung sino ang maglilinis ng room. Paunahan pag uwian… ilalabas ung basurahan, magwawalis, magbubunot.

Blue Heights
Ang official newspaper ng Isko. Nandito rin yung makulit na cartoon na si koolasa.

Art class ni Mr. Englatera.

(Moderator ng club ko, Art Club. Syempre vice president ata ako non! Adviser din ng Art Class. At syempre Art Class din ako. Pinaka-astig na class sa buong 4th year)

Signal No.2
Walang pasok pag may signal no.2 na. Pero pag inabutan ka sa school ng kalagitnaan ng bagyo. 12nn ang suspension pero 2pm kayo papauwiin.

Bible
Sinong walang Bible sa locker? Lahat meron diba.

Mr. Chan
Kilala nyo ba siya? Siya ung teacher sa C.L.E. mabait at makulit.

Reply Slip
Sa kagustuhang makapagpasa ng reply slip gagayahin mo pirma ng magulang mo. May class no. pa nga sa bandang upper left corner.

Observer
Kinakabahan ang buong class pag may umuupo sa likod para mag-observe.

Index Card
3x5 index card, ito ung nakadikit sa upuan ng kaharap mo. Dito nakalagay ang sked ng class. Pagandahan pa noon. Yung iba may scotch tape pa para iwas damage sa index.

Linggo ng Wika
Anu suot mo noon, hulaan ko, MALONG! Nagiging Malong Festival ang Linggo ng Wika, dahil halos lahat ng students nakamalong. Yun na ata ang pinakamadali at murang masusuot mo sa okasyong ito.

Benetton
Nakiuso ka rin ba sa pag gamit ng may tatak na Benetton? Bag, pencil case, at kung anu-ano pa basta Benetton.

Brick Game
Di pa uso ang cellphone noon kaya brick game lang ang dala mo. Agawan pa nga pag break para lang mkapaglaro nito.

Parker
May Parker ballpen ka nung HS at may nakaengrave pa na pangalan mo.

Sports center
Ito ang extension ng Isko pag may mga presentation at banned ang activities sa campus.

Field Trip
Nasa likuran lahat ng magugulo sa klase... nasa harapan naman ang may hawak ng medicine kit. E pano pag may nangyari sa likod ang layo ng medicine kit, suggest ko lang dapat nasa gitna para fair sa aming nasa likod. Hahaha!

Rosary
Lahat ng Scholasticans may rosary sa bulsa o sa bag.

Flowers
Pag Sept.8 marami ang nagtitinda ng bulaklak sa Gate 3, birthday kasi ni Mama Mary. Bibili ka panigurado, kasi lahat ng may bulaklak aakyat ng stage.

Longkatuts
Ano ba ito? Sabi ng iba short cut ng katulong. E di lahat pla tayo longkatuts, marami nagsasabi mukhang pangkatulong uniform natin.

(Mejo!)

Text Notebook
Wala pang MIRC at YM noon, may text notebook na ang mga kulasa. Ito yung notebook na pasa-pasa at maglalagay ka ng commet. Syempre ilalagay mo pangalan mo sa unahan, parang chat na rin.

Shark-sharkan
Ito yung laro sa playground. Yung taya “shark” e nasa labas nung isang laruan dun na umuugoy-ugoy pag tinulak ng paa. Mas marami mas masaya, kasi pag nagkatulakan marami ang malalaglag at maaout. Pahirapan naman sa shark pag magaling ka, nakauwi na lahat ng kalaro mo kayo naghuhulihan pa.

Armak
Nakagamit ka ba ng tape nun na Armak? Yung tinutukoy ko ay yung tape na nakaready na, putol na. 5 lang ito sa canteen. May space lang siya sa gilid tas hihilahin mo na lang siya.

Quiz envelope
Lahat ng subject ata required sa envelope. Dito nakalagay ung mga quizzes tas may nakadikit na papel sa labas kasi dun nakatally yung grade mo. Pag kulang ka, minus na agad.

Locker
Nagkalocker ka ba noon? May kapartner ka? Ilan kayo? Ako noon, tatlo ata kami.

PE Jazz Dance
Jazz hands... Hahaha.... isa ka sa sumayaw sa tugtog nung jazz practical test na O'ne j'amerais plus jamais.

I thank the Kulasa who made this.

No comments:

Post a Comment